[ Quote ]

ISANG LINGGONG PAG-IBIG

ISANG LINGGONG PAG-IBIG
(Sa pagkakataong ito ang nilikha kong tula ay tinatawag na "Tanaga." Ang Tanaga ay binubuo ng apat (4) na taludtod at pitong (7) bilang o pantig kada taludtod.)


Pagsuyong isang linggo
Ang nadama sa iyo,
Akala ko'y totoo,
Ba't ako'y iniwan mo?


LUNES
Lunes, ang unang araw,
Nakilala ko'y ikaw,
Binighani mo agad
At puso ko'y binihag.


MARTES
At ngayon ay sumapit
Yaring araw ng Martes,
Sarili'y nailapit
Sa tulad mong kayrikit.


MIYERKULES
Araw ng Miyerkules,
Nagtapat ng pag-ibig,
Anong tuwa't nakamit
Ang "oo" mong kaytamis.


HUWEBES
Huwebes ay sumapit,
Saksi giliw ang langit
Sa sumpang ang pag-ibig
Ay hindi mawawaglit.


BIYERNES
Nang Biyernes o hirang
Sa Luneta'y namasyal,
At nang ika'y halikan,
Nagpaubaya ka lang.


SABADO
Sabado'y nag-awitan
Kalulwa nating uhaw
Pagkat pinagsaluhan
Ang pag-ibig na tunay.


LINGGO
Ngayon ay tumatangis
Pagkat ika'y umalis,
Isang linggong pag-ibig
Ang dulot mong kaypait!



Danny - 10/03/2015
by Danny Gallardo ©2015
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

ANG PAMAGAT AY MATATAGPUAN SA PAGBUO NG SALITA NA ISANG LETRA SA BAWAT STANZA

ANG PAMAGAT AY MATATAGPUAN SA PAGBUO NG SALITA NA ISANG LETRA SA BAWAT STANZA


Sapagkat tulad mo’y mayuming bulaklak
Na ang kaanyuan ay namumukadkad,
Ang samyo mo’t bango’y humahalimuyak
Sa hardin ng diwa na sadyang matingkad.

Ibig kong habihin ang tulang-pagliyag
Upang ialay ko sa magandang dilag,
At sa balintatataw ako’y aapuhap
Ng mga taludtod na sadyang marilag.

Ewan ba kung bakit hinahanap-hanap
Ang iyong kariktang wala nang katulad?
Ika’y inspirasyon ng aking panulat,
Ang guniguni ko ay pinapalawak.

Rosas na marikit ibig kong ihayag
Ang mga ideya ng aking hinagap,
Nagiging makulay ang sandali’t oras
Dahil sa tulad mong matingkad na rosas.

Ramdam ng puso kong dalisay at wagas
Ang kalooban mo at maging sa labas,
Ikaw ay ang taong ang personalidad
Ay kahanga-hanga’t ang puso ay tapat.

Ang iyong karikta’y walang pagkawakas,
Walang pagkaluoy ang ganda mo’t rilag,
Ikaw ang pupuno ng aking pangarap
Patungo sa isang makulay na bukas…


- Danny 09/09/2015


(Author's Note: Gumamit lamang ako ng iisang tugma sa bawat taludtod sa buong kabuuan ng tula. Bihirang makata ang gumagawa nito. Kailangang malawak ang bokabularyo ng isang makata upang makabuo ng iisang tugmaan mula sa simula hanggang sa wakas ng isang tula..)

by Danny Gallardo ©2015
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

MASAWI MAN AKO (Tula para kay Danny Gallardo)

MASAWI MAN AKO (Tula para kay Danny Gallardo)

(Akala ko ako lang ang tutula. Mali pala. Dahil may tumula din sa akin na nagtago sa pangalang Miss Anonymous. Ito ay nalathala sa isang pahayagan noon. At ito ay pinamagatan niyang MASAWI MAN AKO. Mapapansin na si Miss Anonymous ay isang poetess sapagkat may tugmaan ang kanyang mga taludtod at sakto ang ang kanyang sukat. Gumamit siya ng labindalawahing sukat.)



MASAWI MAN AKO
(Tula para kay Danny Gallardo)
ni Miss Anonymous


Ano na ba itong nararamdaman ko?
Umiibig ako sa isang tulad mo,
Di man nakikita'y binihag mo ako
Nang aking mabasa ang iyong soneto.


Ang iyong sonetong oo't inaalay
Sa ibang babaing mahal mo sa buhay,
Kahit mayroon kang ibang minamahal,
Tibok ba ng puso'y aking pipigilan?


Sabihin man nilang ako ay isang "cheap"
Na sa iyo Danny ay humangang labis,
Ngunit masama bang ang laman ng dibdib
Ay isiwalat kong kita'y iniibig?


Marahil masama kung ang nadarama
Ay di ipagtapat sa mahal mong sinta,
Pa'no na ang pusong sadyang kumakaba
Kapag itatago na lang sa tuwina.


Pagkat di ko kayang itago lang ito
Kung kaya't tumula ang puso ko sa 'yo,
Kahit do mo pansin ang nadarama ko,
Mamahalin kita... MASAWI MAN AKO!


- Miss Anonymous


(Ito ay nung panahong lumikha tayo ng pangalan sa larangan ng panitik at panulaan. Nagkaroon tayo ng fan base sa iba't ibang panig ng kapuluan. At isa na dyan si Miss Anonymous. Sa sobrang dami ng sumulat sa akin noon ay di ko na nareplayan ang lahat, bagama't ang iba ay nareplayan natin. Sa panulatan na aking tinahak noon ay isa lamang tayong lawin. Kaya nahinto tayo. Subalit ngayon ang lawin ay muling magbabalik. Sapagkat nag-ipon lang siya ng lakas. At sa pagbabalik ng lawin ay di na siya lawin. Oo, sapagkat ngayon ay isa na siyang Agila. At sa muling pagbabalik ng LAWIN, AGILA ang babalik...)

Danny - 10/03/2015
by Danny Gallardo ©2015
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

MAY BITAG ANG PAG-IBIG

MAY BITAG ANG PAG-IBIG
Ni Danny Gallardo

Pag-ibig ba itong dulot mo sa akin?
Nadarama mo ba ay gintong paggiliw?
Pinahihirapan ang aking damdamin,
Yan ba ang sabi mong tanging iibigin
Ay ako't ako lang magpahanggang-libing?
Pinaasa mo 'kong tanging mamahalin,
Yon pala'y saktan lang ang puso ko giliw,
Bakit ang puso mo'y sadyang sinungaling?

Ako naman, dahil wagas ang pag-irog,
Ang aking damdamin sa iyo'y nalunod,
Puso ko'y nasilaw sa iyong alindog,
Ano mang gusto mo'y aking sinusunod,
Sa bitag mong taglay ako ay nahulog,
Kailan aalpas sa bitag mong dulot?

Danny - 10/03/2015
by Danny Gallardo ©2015
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

PAGHAHABI NG TALUDTOD

PAGHAHABI NG TALUDTOD
ni Danny Gallardo


Hayaan mong
Habihin kong may laya sa aking hinagap
Ang mga taludtod
Na nagbibigay kulay sa bigong pangarap,
Hayaan mong
Bigyang tingkad at kulay ng aking panulat
Ang mga ideyang
Sa guniguni ko ay nagpapamulat.


Hayaan mong
Bigyang laya’t buhaying muli sa aking panaginip
Ang mga guniguning
Nagpapagunita sa diwa ko’t isip,
Tila isang
Bagong nilalang na sadyang nagpupumilit
Na mailuwal
At masilayan ang tingkad ng daigdig.


Hayaan mong
Sa anyo ng buhay ay aking malikha
Ang obra-maestrang
Sadyang iginuhit ng muni ko’t diwa,
Hayaan mong
Sa balintataw ko ay mabuo na kusa
Ang paghahabi
Ng mga taludtod ng isang makata.


Danny - 10/03/2015
by Danny Gallardo ©2015
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

Write Down,

Write Down, If Everything Is Complicated.
For If You Lost It, You Lost It Forever.
- Jerry Bustillo

Street Vendor

I love street foods and most of the time I spent half of my allowance eating street foods. But that not all, you can also see Street Vendors whole used to sale other stuffs like toys, house kits and others. If you are too far from Mall and other wholesale stores, specially those who live in a remote areas in a province like me, then there they are to bring you what you need.

You can find what you need without spending fares. They just move from street to street and all you have to do is to wait for them. But for sure if you are not patient enough to wait, then use your head, go to your nearest store and buy. Ha ha ha! It's not their fault.

Anyway, I took picture of them and I love to have one of it soon. Anyway, this is not only in the Philippines, most Asian places have this kind of Street Vendors.

Some Food That I used to ate will walking.

Street Vendors in a trike. He sells almost everything we need daily.

Men are ordained

Men are ordained
Men are ordained to be a provider, a protector, a patriarch to his family.
They are ordained to be an example.
- Jerry Bustillo

BAGUIO

BAGUIO
ni Danny Gallardo

Di pa man sumasapit ang buwan ng Disyembre
Ay ramdam na ramdam na ang lamig ng gabi,
Dito sa Lungsod ng Pino sa lugar ng norte
Na ang lamig na dulot ay animo niyebe.

Ang lugar na itong sadyang matulain
Ay tunay na matingkad ang mga tanawin,
At kapag dumapyo ang malamig na hangin
Sadyang nanunuot sa buong damdamin.

Ang lugar na ito sa taas ng bundok,
Kaygandang humabi ng mga taludtod,
Ang lamig ng klimang sadyang nanunuot
Ang hatid sa puso ay isang pag-irog.

Ang lugar na ito na bulubundukin
Tila iginuhit kapagka malasin,
Kaya't sa tuwina'y hahanap-hanapin,
Tila may halinang nakakahumaling.

Ako ay hahabi ng mga pangarap
Dito sa lugar na abot-kamay ang ulap,
Ito ay ang lugar na hinahanap-hanap
At laging babalikan ang ganda at rilag.


Danny - 10/03/2015
by Danny Gallardo ©2015
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

NAPAPATIGHAW NG AKING PANULAT

NAPAPATIGHAW NG AKING PANULAT


Marahil nga tayo'y sadyang isinilang
Na ang mga puso"y hindi magkahinang,
Sadyang kaylayo mo sa aking kandungan,
Di kayang maabot ng aba kong buhay.
Sa ating dalawa ang namamagitan -
Walang iba kundi panulat na tangan .


Oo, panulat nga upang aking malipad
Ang isang tulad mong langit ang katulad.
Sa kawala'y aking pinangapangarap
Makaulayaw ka minumutyang liyag,
Kunwari'y totoo ang lagi kong hanap
Na init ng halik at higpit ng yakap,
Subalit uhaw man sa iyong pagliyag
Ay napapatighaw ng aking panulat!


Danny - 09/14/2015


by Danny Gallardo ©2015
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

YOU ARE THE REASON


YOU ARE THE REASON
Danny Gallardo·Friday, October 2, 2015


You are the reason why I write
Poetry and prose full of delight,
This is the truth that I cannot hide,
You made my thought so deep and wide.


You are the reason why my pen
Is writing the song of beauty and life’s hymn,
You are the aspiration that I yearn
And the plenitude of my dream.


You are the reason why my life’s guitar
Is being played in every hour,
You are indeed my twinkling star
That shines on me from afar.


You are the reason why my life
Is being inspired for day and night,
You give me hope and kindling light,
You have broadened my life’s insight.


You are the reason why my world
Is getting bigger and untold,
You are the reason to unfold
The life’s mystery that I behold.


You are the reason why I’ve felt
This strange feeling in my inner self,
You are the reason why I reflect
The highest form of intellect.


Note:
What other poets say about this poem:

Georgia Grace - “Beautiful words, and so inspiring.
Very grateful .
My favorite line is: You are the reason why my world
Is getting bigger and untold.”
Nikki Raske - “Nicely done.
Wow, love is one’s ability to write such beautiful words.
Is truly priceless and you are very talented and gifted with your words.”


by Danny Gallardo ©2015
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

YOU MEAN EVERYTHING TO ME

YOU MEAN EVERYTHING TO ME
by Danny Gallardo


You are my world,
My sweetest dream,
You are my thought
And my everything.


You are my light
That shines above,
You are my life,
A gift from God.


You are my song
And life’s rhythm,
You keep me strong,
My radiant beam.


You are my book
Of life’s reality,
I hope I could
Fathom your beauty.


You are my destiny
And my life’s complement,
I’ve found my serendipity
For you are heaven-sent.


You are my inspiration
In life’s stormy sea,
And you must have known –
You mean everything to me.


Danny - 10/03/2015
by Danny Gallardo ©2015
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

SA ‘YO UMIIKOT ITONG AKING MUNDO

SA ‘YO UMIIKOT ITONG AKING MUNDO
ni Danny Gallardo


Ilang tula pa ang aking hahabihin
Upang mabihag ko ang iyong puso?
Ilang aklat pa ang aking susulatin
Upang maabot ko ang iyong pagsuyo?


Ilang dagat pa ang aking lalanguyin
Upang matupad mo ang iyong pangako?
Ilang bundok pa ang aking aakyatin
Upang marinig mo ang aking pagsamo?


Ilang luha pa ang aking luluhain
Upang maantig ko ang puso mong bato?
Ilang landas pa ang aking tatahakin
Upang maabot ko ang isang tulad mo?


Ilang pasakit pa ang aking dadamhin
Upang maawa ka sa isang tulad ko?
Ilang awit pa ang aking aawitin
Upang makaalpas sa mga siphayo?


Ilang pangarap pa yaring bubuuin
Nang aking makamit matamis mong “oo”?
Ilang pagsuyo pa ang aking gagawin
Nang aking matamo ang pamimintuho?


Subalit kahit na ganyan ka sa akin
Ay hangad ko pa ring ikaw ay magbago.
Dapat na malaman ng iyong sagimsim -
Sa ‘yo umiikot itong aking mundo.

Danny - 10/05/2015

by Danny Gallardo ©2015
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

PAGPAPAKILALA

PAGPAPAKILALA
ni Danny Gallardo




Ang unang liwanag ay nasilayan ko

Sa lugar na ngala'y Luingsod-Olongapo,

Subalit sa Iba ay lumaki ako,

Nangarap tumula't sumulat ng kwento.




Dahil ako'y merong dugong manunulat

Nang magkaisip na'y natutong mangarap,

Dahil ang mundo ko'y daigdig-panulat

Ay natuto akong sa pluma humawak.




Nagbuhat sa angkan ni Jose Gallardo,

Ang tinaguriang Hari ng Parnaso,

Siya ay may-akdang nobelang Pampango

Na merong pamagat na Burac a Gintu.




Ngayon sa mundo kong maganda't makulay,

Sadyang hinahabi ang awit ng buhay,

At sa daigdig ko na kinalalagyan

Ay kayang liparin pati kalawakan.




Ngunit sa paglipad ay tinatapunan

Ng sulyap ang bakas na 'king pinagmulan,

Pagkat di marating ang paroroonan

Kung hindi lilingon sa pinanggalingan.





Burac a Gintu - Golden Mire




Danny - 09/07/2015

by Danny Gallardo ©2009
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

ANG BUHAY AY TULAD NG ISANG DAGAT

ANG BUHAY AY TULAD NG ISANG DAGAT
ni Danny Gallardo

Bakit ba ang buhay ay maalong dagat
Na yaong hiwaga'y hindi madalumat?
Kaya nga't kung ika'y sadyang lumalayag
Sa dagat ng buhay dapat na mag-ingat.

Ewan ba kung bakit may kahiwagaang
Sadyang bumabalot sa anyo ng buhay?
Minsan sa ilalim, minsan sa ibabaw,
Ang buhay talaga di maintindihan.

Laot man ng dagat kapagka arukin
Kailangan munang ito ay layagin,
Ang pampang ng dagat bago mo marating
Ay maraming unos munang daraanin.



Danny 09/02/2015
by Danny Gallardo ©2015
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

BITUIN AT PANULAT

BITUIN AT PANULAT
ni Danny Gallardo

Bituin, bituin... sa taas ng langit
Bakit liwanag mo ay nakakaakit?
Kung minamasdan ka sa gabing tahimik
Ang kalungkutan ko'y kusang napapalis.

Bituin... bituin na kumukutitap
Ika'y inspirasyon sa gabing marilag,
Alam mo bang ikaw ang siyang nagtulak
Kung bakit sinuong daigdig - panulat?

Bituin... bituin.. puso ko'y binihag
Ng iyong kariktang wala nang katulad,
Ang gabing tahimik ay minamagdamag,
Pinaglalamayan ang aking panulat.

Kung walang salita akong maapuhap
Sa tula at kwentong aking sinusulat,
Titigan ko lamang ang iyong liwanag,
Ang guniguni ko ay pinapalawak.

Sadyang matulain ang iyong alindog
Na itinalaga at bigay ng Diyos,
Ngunit panulat man sa iyo'y ihandog
Bituin ka pa ring hindi maaabot!


Danny - 08/31/2015

by Danny Gallardo ©2009
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

MAHIWAGA ANG PAG-IBIG

MAHIWAGA ANG PAG-IBIG

Ikaw ay isang nilalang na naghahanap ng kasagutan sa iyong buhay. Kasagutang kaytagal mo nang ibig masumpungan. Kasagutan sa tanong na sadyang kayhirap limiin ng isang nilikha. Oo, nagpakalayu-layo ka. Buhat sa simula ay humantong ka na sa dulo ng landas. Subalit kahit naabot mo na ang pinakadulo ng landas ay di mo pa rin mahanap ang sagot sa tanong ng buhay. A, marahil may hiwagang bumabalot kung bakit di mo masumpungan ang sagot sa tanong na ito. Marahil, mayroon... mayroon....




MAHIWAGA ANG PAG-IBIG
ni Danny Gallardo


Kailangan pa bang sagutin ng puso

Yaong katanungang sadyang mahiwaga?


Ang sagot sa tanong ay hindi matatap

Sapagkat ang sagot ay malatayutay.


Ang hangin... ang ulap....lahat sa paligid....

Ay hindi masagot - tanong ng damdamin.


Pag-ibig pag nasok sa puso ninuman,

Hahamakin ang lahat...nang ito'y masunod.


At kahit may isip ang bawat nilalang

Ay hindi malirip - ano ang pag-ibig?


Pagkat ang pag-ibig...sadyang mahiwaga

Na palaisipang hindi madalumat.


At yaring pag-ibig ay tulad ng hangin

Na hindi mahanap ang kahiwagaan.


Ngunit bakit? bakit... tao'y nabubuhay

Sa kahiwagaan niyaring pag-ibig?



- Danny 08/28/2015

(Author's Note: Gumamit ako ng makabagong istilo ng panulaan. Ang tinatawag na malayang taludturan (free verse). Di ako gumamit ng aliw-iw (rhythm) subalit gumamit ako ng tayutay (figures of speech) at malalim na salita.)

by Danny Gallardo ©2015
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

BOOK OF REMEMBRANCE

BOOK OF REMEMBRANCE
by Danny Gallardo

This is the prologue of the book
That I oftentimes take a look
The friends, to me who are so close
Reminiscing 'em in heart and thought.

This is the book that I cherish,
'Tis like a treasure that I keep,
In my solitude I reminisce
The happy moments that we have shared.

Life is like a book, isn't it?
That we have to open and to read,
Life is so wonderful indeed -
Full of colors in every page.

Life is also like a music -
Full of rhythm in every verse,
If you want to know life's lyrics -
'Tis full of thoughts and feelings.

Someone must know and remember
That life's sometimes full of laughter,
Over all I'd like to hover -
God's smiling from this book's cover.


- Danny 08/27/2015
by Danny Gallardo ©2015
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

DANNY

DANNY
ni Danny Gallardo



D - ahil sa ang buhay ay maalong dagat

Na yaong hiwaga'y hindi madalumat

Itong aking pluma ay ibig sumulat

Ng isang tulaing maganda't marilag.



A - t sa aking diwa ay ibig likhain

Ang mga taludtod ng isang tulain

Ang lalim ng dagat ay ibig languyin

At anyo ng buhay ay ibig arukin.



N - ais kong habihin sa diwa't hinagap

Ang mga taludtod ng tulang-pagliyag

Sa bawat piraso ng aking pangarap

Ay merong bituin na kumukutitap.



N - gayon sa tula ko'y nagiging maningning

Ang kislap at anyo ng isang bituin

Maging ang bulaklak sa mabangong hardin

Ay sadyang titingkad sa bawat paningin.



Y - aong buhay ng tao ay tulad ng awit

Na sadyang maganda ang liriko't himig

Ang buhay sa mundo'y meron pa bang tamis

Kapag ang awitin ay sadyang nawaglit?




-Danny 08/24/15

by Danny Gallardo ©2015
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

ANG AKING TULAIN

ANG AKING TULAIN

ni Danny Gallardo



Ang aking tulai'y may sariling himig

Sa bawat damdamin ay nakakaantig

At kung sa musika ay di ka mahilig

Kung mabasa ito ay mapapaawit.



Kapag binabasa ang aking tulain

Buksan yaring isip at saka damdamin

Ang bawat taludtod ay pakalimiin

At ang lasap nito ay iyong namnamin.



Ang aking tulai"y hinango sa buhay

Na isinusulat sa anyong makulay

Ipinahahayag diwa"t kaisipang

Sa bawat damdami'y nais na pumukaw.


by Danny Gallardo ©2015
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

A Father : Chiasm Poetry

You're Strong and Brave
And true to friend
You gave us hope and live with strength
You do all things with faith and Love
Surely you'll live with guidance above.

You're Strong -
even the strongest winds of trial
All past by, and you still prevail
Never mind the sword, never mind their words
Stick together, hold together, be strong all hail.

And Brave -
As an eagle that watches their territory
Enemies were scared, that you found your glory

And true to friend -
though they are not;
You still keep your words if they cannot

You gave us hope - You're kind to all
"I'm proud of my son"
"You did your best, the task is done."

You lights up our understanding
"That's not fair, be God Fearing."

Live with strength -
"In God, nothing is Impossible"
Use your knees, that strengthens all.
Don't walk with pride, my son be just.
For if you fail; Your Strengths? That's Last.

You do all things with faith -
Choose "Be believing", or "belief is leaving"
think positive, must not have doubt
for fear is present, then faith is out.

You do all things with love -
Reminding us to love our Brothers
Be true and care your mother.
For if you do, they return it back to you .

Your Love, is precious than Gold.
For without it, we all fail and nothing to hold.
You're not lovable, no not in your view.
But in the middle of our dark Reasons
There still remain your love without seasons.


Surely you'll live with guidance above -
For Father you are there
As heaven who always care.


- Jerry Bustillo

A Father : Chiasm Poetry ©2012
In Memory of my Loving Father Elmer Constante Bustillo & to my Grandfather Conrado Macasero Bustillo

PANAGHOY NG PLUMA

PANAGHOY NG PLUMA

ni Danny Gallardo




Mga diwang pumipitlag

Mula sa aking hinagap,

Tinta ng aking panulat

Na nagpipilit lumigwak,

Ang init ay sumusulak

Sa panitik na mahayap

Na ang layon ay maglahad

Ng ideya at magmulat.




At sa tinta ng panitik

Ako ay sadyang aawit

Nang bigyang laya ang hilig

Na sadyang nagpupumilit

Lumaya sa pagkapiit

Sa bilangguan na tigib

Ng hiwaga sa daigdig

Ng salita't mga titik.




At sa kabilang dimensyon

Diwa ko ay paparoon

Pagka't ang tangi kong layon-

Masagot ang mga tanong

Ng aking imahinasyon

Na bilanggong nakakulong,

Bigyang laya ang panaghoy

Ng pluma kong nag-aapoy!


by Danny Gallardo ©2014
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

PANAMBITAN

PANAMBITAN (1st prize winner in Haraya Festival 2007 - Gawad Surian sa Sining at Panitikan, RMTU)

by Danny Gallardo


Ang pagdating ng gabi ay pagdating ng umaga

Sa isang siglo ng mga pangarap

Iyong languyin ang dagat ng buhay

Nang maabot mo ang dulo ng mundo

Sapagkat sa dakong iyong pinagmulan

Ay tigib ng hilahil at mga pasakit.



Ibig mong lumaya sa dilim ng gabi

Ayaw mong buhayin kahit sa panaginip

Ang mga bangungot ng iyong panahon

Ayaw mong umidlip ang iyong kamalayan

Kahit pagod na ang muni mo't diwa

Dahil tinatanuran mo ang madilim na entablado

Ng mundong pusikit na karimlan.



Kaya't ibulalas mo ang mga panambitan

Nang ikaw ay marinig sa dako pa roon

Doon ay wala ng dapithapon

Doon ay wala ng karimlan



Buklatin mo ang aklat ng buhay

Nang iyong matanaw ang umagang kayganda

Kaya't umidlip ka kahit pansamantala lang

Upang malimot mo ang mapait na katotohanan

Ipikit mo ang mata at ika'y umidlip

Malay mo pagdilat mo bukas, nakaipit ka na sa isang libro


by Danny Gallardo ©2007
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

ODE TO A FLOWER

ODE TO A FLOWER
by Danny Gallardo

Really, your beauty is like a flower
That doesn't fade and doesn't wither,
Your bloom will never alter
For your beauty is forever.

And in your eye, a kindling light
That I can read clearly in my sight,
Your inner self you cannot hide
For I have a deep percept in life.

Let my thought know and perceive
The meaning of life in profound sense,
And life I've known as I reflect -
It is but you, your lovely scent.

Surely, I came to realize
That life indeed is a flowerlike,
And in the melancholy night
The beauty of yours uplifts one's heart.

The beauty of flower typifies
The life, herein its charm lies,
Truly, flower gives delight
And its fascination never dies.

by Danny Gallardo ©2010
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

KASAL SA PANULAT

KASAL SA PANULAT
ni Danny Gallardo

Minahal ko siya - isang pagmamahal
Na sadyang matapat pagkat ikinasal
Ang aming sarili sa harap ng altar
At saksi ang langit sa aming sumpaan,
Siya'y katalik ko sa gabi at araw
At aming kalulwa'y laging magkahinang,
Habang ang ideya sa may balintataw
Ay nag-uumalpas at naghuhumiyaw,
Anaki ay sanggol - pilit mailuwal
Upang magkaanyo na bagong nilalang,
At habang sa diwa ay sumasalimbay
Ang mga obra kong walang kamatayan,
Siya'y manatiling aking minamahal
At mamahalin ko magpakailanman.

by Danny Gallardo ©2009
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

Come


Come, Listen to his word
Listen well that you may know
Strange how God could Talk
That people dare to listen


Knock, where door is close
Closed, where no one's inside.
Seek that you may know who,
Who, should answer you inside?


Seek, if God really there
Inside that long closed door
then think if he really answer
Answers, the call if you do knock.


Ask, so you may know
Know that He do listen.
If people dare to listen
God could talk, and it's not strange.


So live, that you may know
That God Answers and God talks.
If you listen well to his simple word,
Simple word that says "Come" .


- Jerry Nuñez Bustillo
Come: Chiasm Poetry ©2012
Thursday, August 30, 2012

Save your pity

I had ask this question, "Who're you to me?"
My friend, my answer "Nobody to you."
Life? Seems unfair and everyone can see.
You live for it, and pains will kill you too.


I'd seen wonders in this world of freedom.
And those questions make silent from some time.
This world is ours, we'll cherish it so come.
Your life will live for seasons like cold rime.


We all die and only time can tell that.
Stop wasting so much of things your not sure.
Knowledge will live but in our grave it's not.
Live life full of joy and strive to be pure.


Lastly, don't say "Sorry, I feel it too".
Just save your pity, it's you who saves you.


- Jerry Bustillo

Save Your Pitty © 2017
First Sonnet 2017

Save your pity

I had ask this question, "Who're you to me?"
My friend, my answer "Nobody to you."
Life? Seems unfair and everyone can see.
You live for it, and pains will kill you too.

I'd seen wonders in this world of freedom.
And those questions make silent from some time.
This world is ours, we'll cherish it,  so come.
Your life will live for seasons like cold rime.

We all die and only time can tell that.
Stop wasting so much of things your not sure.
Knowledge will live but in our grave it's not.
Live life full of joy and strive to be pure.

Lastly, don't say "Sorry, I feel it too".
Just save your pity, it's you who saves you.

- Jerry Bustillo
Save Your Pitty © 2017
First Sonnet 2017

Just me.

The All Seeing Eye. Also known as the Eye of Providence.

Hidden Eye

Triple 6 know as the (Mark or Name of the Beast)

Just me and the Scorpions Sting for Fun.

This were some of the Pictures you've seen on the web. Do you know it's meaning?


The Pictures you'd just seen are just for fun and not meant anything about the symbols you already know in the social Media. Symbols are not accurate and nothing to do with it's meaning.

Just me.




The All Seeing Eye. Also known as the Eye of Providence.






Hidden Eye






Triple 6 know as the (Mark or Name of the Beast)






Just me and the Scorpions Sting for Fun.



This were some of the Pictures you've seen on the web. Do you know it's meaning?




The Pictures you'd just seen are just for fun and not meant anything about the symbols you already know in the social Media. Symbols are not accurate and nothing to do with it's meaning.


Comment Section

Back to Top

Comment down below using your Facebook account. Don't Hesitate to contact me anytime, you can visit my other social media account to Learn more about Me.