[ Quote ]

PAGPAPAKILALA

PAGPAPAKILALA
ni Danny Gallardo




Ang unang liwanag ay nasilayan ko

Sa lugar na ngala'y Luingsod-Olongapo,

Subalit sa Iba ay lumaki ako,

Nangarap tumula't sumulat ng kwento.




Dahil ako'y merong dugong manunulat

Nang magkaisip na'y natutong mangarap,

Dahil ang mundo ko'y daigdig-panulat

Ay natuto akong sa pluma humawak.




Nagbuhat sa angkan ni Jose Gallardo,

Ang tinaguriang Hari ng Parnaso,

Siya ay may-akdang nobelang Pampango

Na merong pamagat na Burac a Gintu.




Ngayon sa mundo kong maganda't makulay,

Sadyang hinahabi ang awit ng buhay,

At sa daigdig ko na kinalalagyan

Ay kayang liparin pati kalawakan.




Ngunit sa paglipad ay tinatapunan

Ng sulyap ang bakas na 'king pinagmulan,

Pagkat di marating ang paroroonan

Kung hindi lilingon sa pinanggalingan.





Burac a Gintu - Golden Mire




Danny - 09/07/2015

by Danny Gallardo ©2009
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

Comment Section

Back to Top

Comment down below using your Facebook account. Don't Hesitate to contact me anytime, you can visit my other social media account to Learn more about Me.