[ Quote ]

Time

THE’RE SO MUCH TIME TO SPEND DOING GOOD.
WHY USE FOR THINGS UNWISE?
- JERRY BUSTILLO

Time




THE’RE SO MUCH TIME TO SPEND DOING GOOD.

WHY USE FOR THINGS UNWISE?

- JERRY BUSTILLO


ALAALA

ALAALA

Ngayon sa muni ko'y binabaliktanaw,
Masasayang araw ng ating suyuan,
At sumasalimbay sa aking isipan,
Mga alaala na iyong iniwan.


Di ba noon hirang ang ating pag-ibig,
Pakiwari nati'y walang kahulilip?
Ang bawat sandali'y sadyang matatamis
At bawat damdami'y laging umaawit.


Di ba noon hirang tayo'y nagsumpaang
Walang makahadlang sa ating suyuan?
Ang pag-ibig nati'y magpakailanman,
Hindi makahadlang pati kamatayan.


Bakit aking mutya ang iyong pag-irog,
Sa labas - matibay, sa loob - marupok?
Sa dagat-pag-ibig ay biglang nalunod
Ang pampang ng dagat ay di na naabot.


Ngayon sa muni ko'y binabaliktanaw,
Masasayang araw ng ating suyuan,
At sumasalimbay sa aking isipan,
Mga alaala na iyong iniwan.


by Danny Gallardo ©2015
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

Comment Section

Back to Top

Comment down below using your Facebook account. Don't Hesitate to contact me anytime, you can visit my other social media account to Learn more about Me.