[ Quote ]

Okay na Ako.


Kung makita ko lang ang aking asawa,
Maligaya sa mga anak naming kinakasama
Kahit wala ako sa tabi nila.

Hindi ko man maangkin ang parihong kaligayahan.
Sige lang, basta't makita ko lang kayo -
Okay na ako.

Kung ang aking mga anak ay masaya sa kanilang paglaki,
At sa kanilang mga nagawang tagumpay ako'y mapamangha.
Lubos kung pasalamatan ang lahat na nagbigay ng kanilang katalinuhan,
At sa mga taong sumusuporta sa kanilang tabi.

Kahit wala man ako at hindi kasama sa kanilang paglalakbay,
Basta't kayo'y naalagaan ko'ng mabuti -
okay na ako.

Sa mga taong napalapit ang aking loob dahil sa kanilang kabaitan.
Hindi ko alam kung saan at kung paano ko kayo pasasalamatan.
Humihingi ako ng tawad sa mga pagkakamali ko at kung ano man.

Sana hindi kayo magbago kahit sa aking pagpanaw kayo'y naririyan.
Sa tabi ng aking malamig na katawan na hindi na mayakap kailan pa man.
Basta't kayo'y pumapansin sa aking lamay na isang tapat na kabigan -
Okay na ako.

Jerry Bustillo
September 20, 2018

Comment Section

Back to Top

Comment down below using your Facebook account. Don't Hesitate to contact me anytime, you can visit my other social media account to Learn more about Me.