[ Quote ]

IYONG PAKALIMIIN ANG TULA KONG MALALIM

IYONG PAKALIMIIN ANG TULA KONG MALALIM

At ito ang aking sa iyo ay hiling -
Nawa ang tula ko ay iyong tanggapin,
Merong sarap itong nais iparating
Kaya't sa pagbasa ay pakanamnamin.

Ang tula ay merong aliw-iw at sukat,
Ang tula ay awit ang nakakatulad,
Ito ay mayroong taglay na agimat
Na kayang bihagin ang magandang dilag.

At sa iyong puso kapag ang tulain
Sa saliw ng lira ay iyong awitin,
Kung maririnig mo ay paluluhain
Sa tuwa at galak ang iyong damdamin.

Yaong pagluha mo ay sa sobrang galak
At di ang pagluhang bigo sa pagliyag,
Kundi bawat luhang sa iyo ay natak
Ay tanda ng isang paghanga na wagas.

Ngunit nararapat na pakalimiin
Ang bawat kataga ng aking tulain,
Sapagkat ang tula kung di intindihin
Ay di maaabot ang diwang malalim.


Danny - 09/10/2015

by Danny Gallardo ©2015
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

Comment Section

Back to Top

Comment down below using your Facebook account. Don't Hesitate to contact me anytime, you can visit my other social media account to Learn more about Me.