[ Quote ]

MAY BITAG ANG PAG-IBIG

MAY BITAG ANG PAG-IBIG
Ni Danny Gallardo

Pag-ibig ba itong dulot mo sa akin?
Nadarama mo ba ay gintong paggiliw?
Pinahihirapan ang aking damdamin,
Yan ba ang sabi mong tanging iibigin
Ay ako't ako lang magpahanggang-libing?
Pinaasa mo 'kong tanging mamahalin,
Yon pala'y saktan lang ang puso ko giliw,
Bakit ang puso mo'y sadyang sinungaling?

Ako naman, dahil wagas ang pag-irog,
Ang aking damdamin sa iyo'y nalunod,
Puso ko'y nasilaw sa iyong alindog,
Ano mang gusto mo'y aking sinusunod,
Sa bitag mong taglay ako ay nahulog,
Kailan aalpas sa bitag mong dulot?

Danny - 10/03/2015
by Danny Gallardo ©2015
All contain are from original Author
Any Production/copywriting without consent is prohibited

Comment Section

Back to Top

Comment down below using your Facebook account. Don't Hesitate to contact me anytime, you can visit my other social media account to Learn more about Me.