[ Quote ]

Legend of the Makahiya Plant | Ang Alamat ng Makahiya

I read some of the great legends of this plant or fable of the Makahiya plant. Others tell a good detail about the story. But I could get a great story about this from my father who told me the story when I was young. I don't know where my father got this fable or legend but I found it interesting.

So, I decided to have it posted on the web, perhaps I could give a good memory of a good story from my father who'd passed away.
The Origin of Makahiya Plan.
Fable retold by Jerry Bustillo

Ang Alamat ng Halamang Makahiya

Noong sinaunang panahon, sa lugar ng mga diwata. May isang diwata na mahilig mag-alaga ng mga magagandang bulaklak, na kung saan taon-taon sila ay magdiwang ng isang paligsahan o pagandahan ng mga bulaklak.

Pero tuwing taon, merong isang magandang bulaklak na palaging nananalo kahit sinikap na ng lahat ng mga bulaklak na pagandahin at palusugin ang kanilang sariling itsura bilang isang bulaklak, tanging ang bulaklak parin na ito ay higit na mas maganda kaysa iba. Ang pangalan niya ay "Ubeng Rosa", sapagkat siya ay kulay ube. Lahat na lang ng mga bulaklak ay hinahangaan siya, at dahil dito sinikap nila na maging isa ring napakaganda at higitan si Ubeng Rosa.

At dahil si Ubeng Rosa ay isang napakagandang bulaklak at tanging bulaklak na hindi natatalo sa paligsahan, siya ay pinarangalan na maging tagapamahala sa kanilang lugar o harden ng mga bulaklak habang wala ang diwata.

Isang araw, dumating ang isang napakalakas na ulan, na kung saan lahat ng mga hayop at mga maliliit na insekto ay naghahanap ng mga masisilungan sapagkat bumabaha ng ang kanilang lugar. May mga grupo ng mga langgam na naghahanap ng kanilang masilungan na kung saan sila ay nakarating sa harden ng mga bulaklak.

Habang nandoon nakahanap sila ng isang magandang lugar para hindi sila mabasa. Sabi ng haring langgam "dito na muna tayo sa isang malaking damo, puwede tayo dito magdamag at magandang pagsisilungan." hindi nila namalayan na si Ubeng Rosang pala ang kanilang napagsilungan. Naiinis si Ubeng Rosa dahil nabangit ng lagam na isa pala siyang damo para sa kanila, at kilala siya ng lahat na isang napakagandang bulaklak sa buong harden. Kaya sinabi niya sa kanila, "umalis nga kayo mga walang kwentang langgam. Hindi ako damo, kilala ako ng lahat at pinupuri ako ng lahat ng mga bulaklak. Hindi n'yo ba ako kilala?".

"Pagpasinsyahan na po ninyo kami binibining bulaklak, bago lang kasi kami dito sa hardin ninyo at kilangan lang namin talagang makahanap ng mapagsilungan. Patawad po, binibining bulaklak" sabi naman ng hari ng mga langgam.

Hindi parin pinatawad ni Ubeng Rosa ang mga langgam at pinagtabuyan parin n'ya ang mga ito. Natatakot na ang mga langgam at puno na ng tubig ang mga madaanan nila.

"Naku papano na tayo, hindi na tayo makahanap ng mapagsilungan baka marami sa atin ang mapahamak?".

Kahit nagmamakaawa na ang mga langgam hindi parin sila pinapansin ni Ubeng Rosa. Ngunit napansin ito ni Kangkong at naawa s'ya sa mga langgam. Kaya ang ginawa ng Kangkong ay pinapapunta n'ya ang mga maliliit na langgam para hindi sila mapahamak sa ulan. Sabi ni Kangkong "dito na kayo mga maliliit na langgam, malalaki naman ang mga tangkay at dahon ko, kahit papano pwede kayo dito".

Pumayag naman itong mga langgam na makisilong kay Kangkong, at wala na silang sapat na panahon para maghanap sa ibang lugar. Ngunit napakalakas ng ulan at kahit si Kangkong ay nanganganib din sapagkat manipis lang siya at hindi siya marunong umahon sa tubig kung siya man ay mailulubog.

Palakas ng palakas ang ulan, na kung saan unting-unti sa mga langgam ay nahuhulog sa tubig at namamatay at kahit si Kangkong ay lumubog din at namatay dahil sa bagyo. Kinabukasan ng makita nila ang mga pangyayari nalulungkot ang lahat sa kanilang mga nakikita sa isang grupo ng mga langgam ay naubos ng dahil sa bagyo at dahil sa kagagawan ni Ubeng Rosa.

Dumating ang diwata at kinumusta sila kung napaano sila noong naganap ang bagyo sa kanilang lugar. Nagulat siya ng makita ng diwata na nalubong at namamatay ang lahi ng mga langgam at si Kangkong ay napahamak. "Ano ang nangyari dito?" sabi ng diwata.

Walang magawa ang lahat na mga bulaklak at sinalaysay nila ang buong pangyayari na kung saan hindi sana mapahamak ang mga langgam kung pinayagan lang sana ni Ubeng Rosa na makisilong sa kanya. Pero, napangibabawan siya ng galit kaya itinaboy n'ya ang mga langgam at sila ay napahamak ng dahil sa lakas ng bagyo.

Hindi makapaniwala ang diwata sa ginawa ni Ubeng Rosa sa kanila, kaya dahil dito kinakailang parusahan siya sa mga pagkakamali na nagawa niya. Kaya ang mga diwata ay isinumpa siya sa kanyang ginagaw.

"Ikaw at ang korona mo ay magiging tinik sa lahat ng mga umaapak sayo dahil hindi mo binigyang pansin ang mga buhay ng mga maliliit na nilalang. Ang magagadang bulaklak mo ay hindi mapapasin at hindi kailanman pansinin ng lahat, at ikaw ay gagapang sa lupa ng iyong buong buhay." Sabi ng mga diwata na nagsumpa sa kanya.

At si kangkong naman na napahamak dahil sa pagtulong n'ya sa mga lagam ay binigyan ng biyaya ng mga diwata na kahit gaano man kalakas ang ulan ay makaahon at mabubuhay parin ang kanyang mga dahon at tangkay at hindi madaling mapahamak sa tubig.

Mula noong sinumpa si Ubeng Rosang, siya ay hindi na binigyan ng truno sa mga magagandang bulaklak at nagsimulang gumapang-gapang sa lupa para hindi mapansin ang kanyang pangit na kalagayan.

At ng mapasin ng mga nilalang ang dating magandang bulaklak na si Ubeng Rosang. "Uy, si Ubeng Rosa oh, ano na ba ang nangyari sa kanya at parang pumangit ang kanyang dating ganda at pagapang-gapang na lang siya sa lupa." Sabi ng mga hayop.

At mula ng siya ay napansin, nagsimula na rin ang pagtiklop ng kanyang dahon para matakpan ang kanyang nahihiyang kalagayan.

- wakas



In memory of Elmer Bustillo
from your loving son Jerry Bustillo

Comment Section

Back to Top

Comment down below using your Facebook account. Don't Hesitate to contact me anytime, you can visit my other social media account to Learn more about Me.