About the Critics:
Si Job Bautista ay isa sa mga kritiko-panatiko ng Iglesia Ni Cristo. Marami at nangunguna siya sa mga kritisismo na minsan nilang pinagplanuhan para kutyain ang turo ng Simbahan ni Jesukristo ng mga Banal sa Huling Araw. Karamihan sa mga argumentong hindi maayos ang pagkakakontruksyon at madalas wala sa konteksto o walang kuwenta na nagbabase sa kanyang panatikong paniniwala.
Kilala rin si Job Bautista sa paggamit ng mga panghahamon na pananalita at minsan sa paghingi ng simpatiya sa kanyang mga tagasunod o sa loob ng kanilang organisasyon, pero ang kanyang mga talento bilang isang debater ay hindi pa rin maayos kung makikipagtalakayan. At para mabigyan ng pansin ang kanyang mga kasinungalingan at mga hindi man lang pinag-aralang kritisismo, ginawa ko ang blog na ito para pagbigyan si Job Bautista na sagutin ang kanyang mga kritikal na tanong at hamon kung kaya ba niyang patunayan kung nasa katotohanan ba ang Iglesia Ni Kristo ayon sa turo ni Kristo at sa Banal na Kasulatan.
Dito ko iniipon ang mga topic na napag-uusapan namin ni Job Bautista at sa iba na relevant sa kanyang Kristisismo at sa kanilang panatikong doktrina. Dito natin makikita kung talaga bang merong kaalaman si Job Bautista o hanggang pangungupya na lang sa mga naunang kritiko na matagal nang nasagot ang kanilang mga tanong at nang minsan ay walang rebuttal kung ibalik ang hamon.
Here is the list of my responses to his claim to be false.
No comments:
Post a Comment