Saraijah Bustillo was born on November 2, 2016. Siya ang bunso naming anak (Jerry and Asuncion), at sa kanyang pagsilang, nabuo ang Bustillo Family, though nawalan kami ng isa pang Princess pero pinalitan nya ito.Dumating siya sa panahong meron kaming (as kanyang mga magulang) na pinagdadaanan pagsubok. Noon,si Papa niya ay nagtatrabaho sa LYB Lightings Trading, isang tindahan ng lighting fixtures at electrical Supplies. Maliit lang ang kinikita niya or - below minimum wage - kaya halos walang naiipon at sapat lang sa araw-araw ang nasasahod.
Hindi naging madali ang early years ni Saraijah. Hindi tulad ng kuya niyang si Jasher, madalas siyang ma-confine at pabalik-balik sa ospital. May mga pagkakataon na nagkakaroon siya ng seizures, at hindi alam ng mga doktor kung ano ang sanhi. Napunô ng takot, dasal, at luha ang mga panahong iyon. Pero kahit ganun, may kakaibang kakayahan si Saraijah na pasayahin ang pamilya niya. Ang ngiti niya, tawa niya, at simpleng presence niya ay nagbibigay ng lakas at pag-asa.
Isa sa mga pinaka-hilig ni Saraijah ay pagsasayaw. Mahilig siyang gumalaw-galaw sa tugtog at mag-enjoy lang. Hindi na importante kung perfect o hindi—ang importante ay masaya siya. Buong pusong sinuportahan namin bilang kanyang mga magulang ang hilig niya at proud kami na pinapanood siyang mag-express ng sarili.
Ang pangalan niyang Saraijah ay pronounced bilang Sa-ra-iah, at sinadya talaga ang kakaibang spelling nito. Ang pangalang “Sarai” ay galing sa Bible - siya ang asawa ni Abraham, na pinalitan ng Diyos ang pangalan para sa isang mahalagang layunin (Genesis 17:15–16). Sa Old Testament, maraming beses lumabas ang pangalang Sarai, na ang ibig meaning ay “My Princess” or “My Lady.” Mas gusto ng kanyang mga magulang ang meaning na “My Princess / Sarai” kaysa sa “Sarah / Princess,” since gusto ng papa nyang si Jerry na si Saraijah ang kanyang Princess kahit sa kanyang paglaki.
Ang hulihang bahagi ng kanyang pangalan na “Jah” ay galing sa pinaikling pangalan ng Diyos mula sa Tetragrammaton (YHWH), na mababasa sa Psalm 68:4. Kahit madalas itong binibigkas bilang “Yah,” pinili pa rin ang “Jah” bilang bahagi ng kanyang pangalan dahil sa malalim na kahulugan nito.
Pinagsama, ang Sarai-Jah ay may kahulugang “My God’s Princess.” Kahit hindi ito eksaktong translation sa Hebrew (נסיכה שלי של אלוהים), ang pangalan ni Saraijah ay puno ng faith, pagmamahal, at purpose - isang pangalan na nagsasabi sa kung sino siya at kung gaano siya kamahal.