Liwanag ng Ina

Just an update. I though we lost some precious memories of our mother, and here it is. My brothers Randy (Condrado) and Richard passed this image via Messenger. Remembering Those days. Grateful for Auntie Rosie in preserving it. Hopefully, there are still more.

Erlinda N. Bustillo with
Jerry, Condrado and Richard

Liwanag ng Ina
by Jerry N. Bustillo

Ikaw ang s'yang nagpasaya
sa aking mundong walang pag-asa.
Nagliliwanag ang ilaw mo,
kahit malayo man ako.

Ikaw ang nagbibigay buhay,
isang liwanag puno ng kulay.
Mawawala't maliligaw man ako,
nalulungkot ka't ako'y hinanap mo.

Inay ang tawag ko sa iyo,
masaya ka pag ako'y sumunod sa payo.
Masaya ako't ika'y nagbibigay,
ng isang liwanag na puno ng kulay.

Ngayon sa aking buhay ay nag-aalala,
panahon ay darating tayo'y mawawala.
Sa mundong ito'y puno ng ligaya,
at ang ilaw na taglay mo'y magiging ala-ala.

Ngunit sa kabila ng lahat ako'y mananatili,
sa isang nagmamahal at inaalala palagi.
Hayaan mo't ikaw ay makapiling,
sa huling araw na ito'y darating.


To my mother, 
Erlinda Garing Nuñez Bustillo 
March 7, 1962 - December 28, 1994
From Jerry N. Bustillo
Flag Counter