
Kagabi lang ng ika-2 ng Marso 2025, napanaginipan ko na parang hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang gusto nilang mangyari. Naramdaman ko na mga magulang ko 'yong nasa panaginip ko, pero ang mga mukha ay parang nasa mukha ng mga tao na hindi ko kilala, pero naramdaman ko na sila ito at naramdaman din nila na ako ang anak nila; alam nilang eksaktong ako 'yon.
Nagsimulan ang kwento na parang ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataong bumalik sa panahon at lugar ng panahon na ako ay ipinanganak. Ilang araw pa lang na ako pinanganak, at nagsimula na akong tumayo kung saan nagtatrabaho ang papa ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa panaginip dahil parang ibang tao at iba ang trabaho ng taong kilala ko na dapat ay papa ko. Nandoon ako noong ginagabayan niya ang isang tao sa isang trak para pumarada kung saan ito dapat nakapwesto. Tinanong ko ang kanyang pangalan, at ang pinakaunang bagay na ginawa ko ay sinabi ko sa kanya na ako ang kanyang anak sa hinaharap. Niyakap ko siya at umiiyak habang kinakausap ko siya kung gaano ko siya na-miss. Ang sabi nya sa akin "it's okay, everything will come into place, and everything's gonna be okay." Hindi ko alam kung ano ang eksaktong ibig niyang sabihin noong mga oras na iyon. Nais kong sabihin sa kanila kung paano at ano ang dapat nilang gawin para maiwasan ang malagim na pangyayari sa aming buhay, na kung saan pareho silang namatay sa magkahiwalay na mga insidente. Pero parang hindi nila ito iniisip; parang walang ibig sabihin ang pagbabalik sa nakaraan. Gusto kong baguhin ito, ngunit ang mga sitwasyon na mayroon sila ay naglalaro lang sa loob ng espasyo na 'yon. Parang ayaw nilang baguhin ang resulta. Hindi ko alam kung masama ba o baka hindi lang natin mababago ang resulta sa hinaharap, pero parang may nagsasabi din sa akin na magiging okay ito sa kabila ng kanilang oras. Ramdam ko ang lungko, pero naramdaman ko rin na ginagawa nila ito para sa akin, na para bang para sa kinabukasan ko. Wala akong nagawa, at nawalan ako ng pag-asa na makita sila sa landas na ayaw kong pagdaanan nila, ngunit wala akong kapangyarihang baguhin ito. Parang bumalik lang ako sa nakaraan para makita sila sa sinehan na alam ko na kung ano ang mangyayari sa dulo.
Nagising ako na maluha-luha, at tuluyang naglaho ang mga alaala ng aking panaginip - ang mga mukha, lugar, at bawat detalye. Kaya isinulat ko ang blog na ito sa loob ng maikling panahon, at naiintindihan ko na ngayon, na kung paano hindi mababago ng hinaharap ang nakaraan. Kailangan lang nating magpatuloy at matuto sa anumang nangyari sa nakaraan. Parang malinaw na ang punto ng panaginip ko. Gaya nga ng sabi ng papa ko, ayos lang, kung saan ang ibig niyang sabihin ay ang kinabukasan na meron ako ngayon, sa kanya, isang malaking tagumpay ng sarili niyang pangarap. Nakakita ako ng pagkakataon para baguhin ang nakaraan, pero nakikita naman niya ako na isang tagumpay sa hinaharap.