I Love You, Ma'am


Sa tuwing makikita ka,
di ako mapakali,
Sa ganda ng iyong mukha,
ako’y nababalisa lagi.

Walang homework at lesson,
wala akong natapos,
Di mapasok sa aking isip,
mga aral kumakapos.

In love ba ako, ma'am?
O baka na-praning lang ako,
Di pa naman Patay na Patay,
Ang pusong gulong-gulo.

Sa pag-ibig na di mapalagay,
nalilito'y totoo,
Kung di man makapasa,
basta nandyan ka, okay lang ako.

Siguro pinagtatawanan na ako ng iba,
Na feeling perfecto, ngunit ako’y tanga.
Pero ayos lang kahit di maka-ace,
Basta sa iyong mga mata, ako'y may space.

- Jerry Nuñez Bustillo

Comments

Check out the rest of my blog post at www.bustillo-family.blogspot.com